Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire sa nakalipas na dalawang linggo, tumaas ng 47 porsiyento ang kaso ng COVID 19 sa bansa at ang high risk average daily attack rate ay 7.20 cases per 100,000 population.
Sa pagpasok ng Agosto hanggang noong Sabado, ang average cases kada araw ay 8,965, mas mataas ng 2,197 kumpara sa huling linggo ng Hulyo.
Binanggit nito ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Calabarzon, Central Visayas at Northern Mindanao na nasa ‘high risk classification bunga ng mataas na growth rate at high risk average daily attack rate.
Noon lamang Hulyo 29, umangat sa moderate risk classification ang Pilipinas bunga nang pataas na bilang ng mga tinatamaan ng COVID 19.
Nabanggit din ni Vergeire na may kaso na ng Delta variant sa 13 sa 17 rehiyon sa bansa.