Sen. Bong Go nabahala sa pagdami ng mga bata, kabataan ng may COVID 19

Nagpahayag ng pagkabahala si Senator Christopher Go sa biglang pagsirit ng bilang ng mga Filipinong bata at kabataan na tinamaan ng COVID 19.

 

Binanggit ni Go ang ulat ng Department of Health na sa nakaraang linggo, tumaas ng 30 porsiyento ang mga menor de edad na pasyente ng COVID 19.

 

Sa datos ng DOH noong Agosto 3, sa naitalang bagong 6,879 COVID 19 cases, 742 ang mga kabataan na may edad 17 pababa.

 

Ito ang kanyang ikinatuwiran para hilingin sa gobyerno kung maari ay mabakunahan na rin ang mga bata at kabataan kung iaanunsiyo ng awtoridad na ligtas ang mga bakuna para sa kanila.

 

“Bilang Chair ng Senate Committee on Health, ako ay lubhang nababahala kung hindi natin maagapan at magawan ng paraan upang mapigilan ang mabilis na pagtaas ng bilang — baka mapilitang gawing panibagong priority group ang mga bata at teenagers,” ayon sa senador.

 

Hirit pa niya na gumawa ang paraan ang gobyerno na makakuha ng mga COVID 19 vaccines na ligtas sa mga menor de edad.

Read more...