DPWH, ipagpapatuloy ang road reblocking sa weekend

Inquirer file Photo

Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways ang reblocking at repair sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang pagsasaayos bandang 11:00, Biyernes ng gabi (August 6).

Sakop nito ang mga sumusunod na kalsada:
– EDSA Caloocan (Southbound) bago ang Mariano St. (unang lane mula sa sidewalk
– Congressional Avenue malapit sa corner Ayshire St., Bahay Toro (unang lane) Quezon City

Muli namang bubuksan sa mga motorista ang mga apektadong kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (August 9).

Pinayuhan ang mga motorista na pansamantala munang dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.

Read more...