Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 201.71 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 201.71 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 201,716,873 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 36,301,744 cases.

Sumunod na rito ang India na may 31,856,757 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 20,066,587 naman ang kaso sa Brazil habang 6,379,904 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 6,233,876
– United Kingdom – 5,982,581
– Turkey – 5,846,784
– Argentina – 4,989,402
– Colombia – 4,821,603
– Spain – 4,566,571
– Italy – 4,377,188
– Iran – 4,057,758
– Germany – 3,789,441
– Indonesia – 3,568,331

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,280,599 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 181,472,747 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...