Dumaguete Airport bawal muna sa mga malalaking eroplano

dumaguete AirportPinalimitahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang paggamit sa runway sa Dumaguete Airport.

Ito ay dahil sa natatamaan ng mga eroplano ang malalaking puno na nakatanim sa paligid ng runway.

Ayon kay CAAP assistant director general for operations Rodate Joya, napilitan na mag-overnight kagabi  sa paliparan ang isang ang Cebu Pacific Airbus A320  matapos magkaroon ng hydraulic leak.

Tinamaan kasi ng eroplano ang mga dahon ng puno na nasa gilid ng runway.

Dahil sa nasabing insidente, limitado na ngayon ang Dumaguete airport sa mga propeller-type commercial aircraft at general aviation jets.

Alinsunod ang nasabing hakbangin sa International Civil Aviation Organization para matiyak ang kaligatasan ng publiko.

Read more...