Pinuno ng NFA nag-resign

Dalisay NFA
Inquirer file photo

Nag-resign na bilang Administrator ng National Food Authority si Renan Dalisay.

Pero nilinaw ni Dalisay na hindi pa tinatanggap ng Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang resignation letter.

Ayon pa kay dalisay, ipinasa niya sa Malakanyang ang kanyang resignation letter noon pang April 15.

Personal at medical reasons ang idinadahilan ni Dalisay sa pagbibitw sa puwesto.

Nabatid na ang NFA Council ang pansamantalang hahalili sa mga trabahong hindi natapos ni Dalisay.

Nauna na ring lumabas ang mga balita na may sinusuportahang ibang kandidato ang naturang opisyal kaya siya umalis sa NFA.

Read more...