Pormal nang nominado ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang tambalang Senador Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 national elections.
Sa pahayag ni PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag sa INQUIRER.net, sinabi nito na napili si Go bilang presidential candidate habang si Pangulong Duterte naman ang vice presidential candidate.
Ayon kay Matibag, gagawin ang official nomination sa tambalang Go-Duterte sa national convention sa September 8.
Excited aniya ang lahat ng miyembro ng PDP-Laban sa tambalang Go-Duterte.
Nagpapasalamat naman si Go sa suporta ng partido.
Ayon sa Senador, nanatili ang kanyang focus sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES