DILG laban-bawi sa show cause order vs Mayor Isko Moreno

Manila PIO

Pinagpapaliwanag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa bagsak na grado sa 2018 Anti-Drug Abuse Council (ADAC).

Base sa show cause order ng DILG,  bigo si Moreno na makapag-comply sa mga polisiya at programa kaugnay sa anti-drug war campaign.

Pirmado ni DILG Undersecretary Ricojudge Javier Eviverri ang show cause order.

Gayunman, naging mayor lamang si Moreno noong 2019 matapos talunin si dating Manila Mayor Jospeh Estrada.

Pinagtawanan na lamang ni Moreno ang show cause order ng DILG.

““Wow Galing ha. Sunod sunod na! #AlamNaThis,”  tugon ni Moreno sa show cause order.

Taong 2018, hindi pa mayor si Moreno sa Manila bagkus ay undersecretary ng Department of Social Welfare and Development.

Gayunman, agad na binawi ni Echiverri ang show cause order.

 

Read more...