BREAKING: Laguna, Iloilo City, CDO isinailalim sa ECQ simula sa August 6

Kuha ni Fritz Sales/Radyo Inquirer On-Line

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro.

Ito ay dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, iiral ang ECQ mula August 6 hanggang 15, 2021.

Samantala, isasailalim naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula August 6 hanggang 15, 2021 ang Cavite, Lucena City, Rizal at Iloilo Province.

Isasailalim naman sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang Batangas at Quezon simula August 6 hanggang 15, 2021.

Read more...