Pagbibitiw sa pwesto ng isang AFP official walang kaugnayan sa ASG

SAMAL-Kidnapping
youtube videograb

Walang nakikitang epekto sa operasyon ng militar laban sa Abu Sayyaf Group (ASG) ang pagbibitiw ni Joint Task Group Sulu Commander B/Gen. Alan Arrojado ngayong araw.

Ayon kay military spokesman  B/Gen. Restituto Padilla, magtutuloy-tuloy umano ang operasyon ng AFP laban sa ASG kasunod na rin sa direktiba ni acting Chief of Staff Glorioso Miranda.

Paglilinaw naman ni Padilla na wala umanong kinalaman ang pagbibitiw ni Arrojado sa operasyon ng militar laban sa ASG taliwas sa umanoy ‘conflict of approach’ laban sa ASG na binabanggit ni Arrojado.

Maliban dito, hindi umano maikukunsiderang resignation ang ginawa ni Arrojado kundi pagpapalitan lamang ng pwesto na nakabase sa kautusan mula sa pamunuan ng AFP.

Itinalaga ng AFP si Col. Jose Faustino Jr. bilang Brigade Commander ng 501st Brigade kapalit ni Arrojado.

Sa ngayon ay hindi pa nagpapaunlak ng media interview ang dating opisyal ng 501st Brigade ng Philippine Army.

Read more...