MMDA, pinaiimbestigahan sa NBI kung sino ang nasa likod ng ‘no vaccine, no ayuda’ fake news

Humiling ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkalat ng pekeng balita at impormasyon.

Kumalat kasi ang balitang hindi umano bibigyan ng ayuda ang mga hindi pa nababakunahan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ang naturang balita ay peke at walang basehan.

“To set the record straight, the distribution of ayuda and/or benefits or privileges is not anchored on whether an individual has been inoculated or not,” pahayag ni Abalos.

Nagpadala ng liham si Abalos kay NBI Officer-in-Charge Eric Distor upang maimbestigahan kung sino ang nasa likod ng pekeng balita.

“I am requesting your Bureau to initiate the investigation of the said fake news in order for those persons responsible therefore to be held accountable in causing unruliness at the vaccination sites and thereafter to file the necessary charges against them,” saad nito sa kaniyang liham.

Nilinaw naman ng MMDA Chief na ang P1,000 hanggang P4,000 cash aid ay ibibigay sa mga low-income residents, bakunado man o hindi.

Samantala, iginiit din nito ang pangako ng 17 local government units sa Metro Manila na makapagturok ng 250,000 bakuna kada araw sa kasagsagan ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kasunod ito ng pag-apruba ng gobyerno sa kahilingan ng NCR para sa apat na milyong bakuna upang maabot ang population protection sa lalong madaling panahon.

“All the local chief executives in Metro Manila are resolved to ramp up the vaccination program. We assure the public that the supply of vaccines is secured,” ani Abalos.

Nagdulot ng alarma sa publiko ang naturang pekeng balita kung kaya dumagsa sa mga vaccination sites sa Maynila, Las Pinas, at Masinag sa Antipolo.

“Everything was in order until the proliferation of these fake news. These misinformation would affect not only the vaccination process and target, but would cause harm to peoples’ lives,” diin ni Abalos.

Pinayuhan naman ng MMDA Chairman ang publiko na iwasan ang pagkakalat ng pekeng balita upang hindi magkaroon ng problema sa vaccination program.

“Do not believe in fake news. Let us wait for your vaccination schedule. Local chief executives of Metro Manila are on top of the situation, ensuring that queues are orderly,” aniya.

Babala naman nito sa mga nasa likod ng pekeng balita, “top of the situation” ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP).

Read more...