Sinisisi ng Palasyo ng Malakanyang ang mga taong nagpapakalat ng maling balita na pagbabawalan nang lumabas ng bahay ang mga walang bakuna kontra COVID-19.
Pahayag ito ng Palasyo matapos dagsain ang vaccination sites sa Maynila at Las Piñas.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may mga nagpapakalat ng fake news.
May mga tao aniyang wala nang ginawang matino sa buhay.
Tanong ni Roque, bakit hindi pa na ko-Covid ang mga nagpapakalat ng maling balita.
Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na dapat nang pagbawalan na lumabas ng bahay ang wala pang bakuna.
Pero ayon kay Roque, hindi dapat si Pangulong Duterte ang dapat na sisihin kundi ang mga nagpapakalat ng maling balita.
Kabilang sa mga dumagsa sa vaccination sites sa Maynila ay galing ng Bulacan, Laguna, at Cavite.