BREAKING: Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa 66,000 na; 8,127 ang nadagdag

Lagpas 8,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (August 5), pumalo na sa 1,627,816 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 66,895 o 4.1 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 8,127 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

94.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.0 porsyento ang asymptomatic; 1.30 porsyento ang moderate; 1.9 porsyento ang severe habang 1.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 196 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 28,427 o 1.75 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 4,343 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,532,494 o 94.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...