106 pang pulis, tinamaan ng COVID-19

Nasa 106 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (August 5), 30,934 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,276 ang aktibo pang kaso.

144 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 29,573 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Walang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 85 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...