Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 4.27 milyon na

Lagpas 4.27 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,270,245 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 631,299.

Sumunod na rito ang Brazil na may 559,715 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 426,321 naman ang death toll sa India habang 242,547 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 196,673
– Russia – 161,715
– United Kingdom – 130,000
– Italy – 128,136
– Colombia – 121,695
– France – 112,046
– Argentina – 106,747
– Indonesia – 100,636

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 201,008,826 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 181,015,550 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...