200 milyong kaso ng COVID-19 naitala sa buong mundo

Umabot na sa 200 milyong kaso ng COVID-19 ang naitatala sa buong mundo.

Ayon sa data ng John Hopkins University, dumoble ang kaso ng COVID-19 sa  nakalipas na anim na buwan.

Isa sa mga dahilan ay ang pagsulpot ng Delta variant.

Nasa 4.25 milyon naman ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.

Nangunguna ang Amerika na may pinakamataas na bilang ng mga nasawi na nasa 614,000 kasunod ang Brazil na may 558,000.

Nasa ikatlong puwesto ang India na may 425,000 na bilang ng mga nasawi.

 

 

Read more...