Base sa severe weather bulleting bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 800 kilometers Northeast ng extreme Northern Luzon dakong 4:00 ng hapon.
Bahagyang lumakas ang bagyo na may lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang-Silangan sa bilis na 15 kilometers per hour.
Sa ngayon, inalis na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang parte ng bansa.
Inaasahang lalakas pa ang bagyo at magiging tropical storm sa susunod na 12 oras.
Base sa forecast track, tatahakin ng bagyo ang direksyong Hilagang-Silangan patungo sa southern Japan.
Samantala, bunsod naman ng Southwest Monsoon, patuloy na mararanasan ang monsoon rains sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan, Zambales, at Bataan sa susunod na 24 oras.