BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa bansa, halos 1.62-M na; 7,342 ang nadagdag

Mahigit 7,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (August 4), pumalo na sa 1,619,824 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 63,171 o 3.9 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 7,342 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

94.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.2 porsyento ang asymptomatic; 1.42 porsyento ang moderate; 2.0 porsyento ang severe habang 1.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 90 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 28,231 o 1.74 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 7,285 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,528,422 o 94.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...