Ang direktiba ay ginawa ni Marquez upang maiwasan ang nadiskubre niya sa Nueva Ecija noong siya pa ang Provincial Director.
Ayon kay Marquez, sa kainitan ng halalan, kanya-kanyang pag-iisyu ng armas sa kahit kanino sa kainitan ng halalan noon ang mga pulitiko at mga opisyal ng gobyerno.
Kailangan aniya na mapigilan ang ganitong klase ng pagmamaniobra na isa sa mga dahilan ng pagkakagulo at karahasan sa panahon ng botohan.
Dahil dito, kasama sa direktiba ni Marquez sa kanyang mga opisyal ang pagrepaso ng maigi ng kani-kanilang contingency security plan at isama ang pag-aaccount ng mga armas na nasa pangangalaga ng mga LGU.