Isa sugatan sa sunog sa Maynila

SUNOG MAYNILA
Kuha ni Erwin Aguilon

Isa ang nasugatan sa sunog na tumupok sa isang dalawang palapag na residential-commercial house sa Pedro Gil, Paco Maynila.

Nagsimula ang sunog dakong alas diyes ng umaga ang sunog na umabot sa ikatlong alarma na naapula makalipas ang kalahating oras.

Halos walang naisalbang gamit ang pamilya ni Lolo Danilo Cudiamat dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy mula sa kanilang upholstery shop sa ground floor ng bahay.

Nakilala ang nasugatan na si Roman Gomez na nagtamo ng mga minor burns sa paa.

Umabot sa tinatayang 10-Libong piso ang halaga ng pinsala ng nasabing sunog na nagdulot din ng matinding traffic sa Lugar.

Read more...