99 pang pulis, tinamaan ng COVID-19

Nasa 99 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (August 4), 30,837 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,315 ang aktibo pang kaso.

61 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 29,437 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Walang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 85 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...