Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 200 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 200 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 200,280,632 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 36,049,015 cases.

Sumunod na rito ang India na may 31,769,132 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 19,986,073 naman ang kaso sa Brazil habang 6,334,195 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 6,178,632
– United Kingdom – 5,923,820
– Turkey – 5,795,665
– Argentina – 4,961,880
– Colombia – 4,807,979
– Spain – 4,523,310
– Italy – 4,363,374
– Iran – 3,979,727
– Germany – 3,782,326
– Indonesia – 3,496,700

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,258,927 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 180,544,399 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...