Umabot na sa 21 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok ng pamahalaan.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa naturang bilang, 12.058 milyon na ang nakatanggap ng first dose habang 9.8 milyon ang fully vaccinated na.
Ayon kay Galvez, nasa 13.87 percent na ang pamahalaan sa target na mabakunahan ang mayorya ng populasyon ng PIlipinas.
Mula July 28 hanggang August 3, tumaas aniya ang bilang ng mga nabakunahan dahil sad umami na ang suplay ng bakuna.
Katunayan, pumapalo sa mahigit kalahating milyon ang nababakunahan kada araw.
Ibinida pa ni Galvez na noong August 3, umabot sa 673,000 ang nabakunahan.
Ito aniya ang highest record number sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES