Tropical depression Gorio namataan sa Batanes

DOST PAGASA Facebook photo

Naging tropical depression na ang isang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng Pagasa sa bahagi ng Itbayat, Batanes.

Ayon sa Pagasa, pinangalanan na itong tropical depression Gorio.

Patuloy na nakararanas ang bansa ng Southwest Monsoon o Habagat.

Inaasahang makararanas ng pag-ulan ang Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Abra, Apayao, Benguet, Zambales, at Bataan.

Makararanas din ng ulan ang Metro Manila, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, northern Palawan kasama ang Calamian at Kalayaan Islands, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.

Read more...