24/7 COVID-19 vaccination sa Maynila ikinakasa na

Manila PIO Photo

Umarangkada na ang orientation saa mga medical frontliners na nag-boluntaryong tumulong sa pagasagawa ng 24/7 COVID-19 vaccination sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, umabot sa 183 volunteers ang una nang nakatapos sa orientation na isinagawa sa Manila City Hall.

Kabilang na rito ang 3 medical doctor; 7 dentist; 7 midwife; 31 nurse, 4 na postgraduate medical interns; 2 pharmacists at 129 na encoder.

Ayon kay Mayor Isko, ipagpapatuloy ngayong araw ang orientation sa mga volunteers sa Kartilya ng Katipunan.

Sa kabuuan, nasa 2,000 na indibidwal ang nagpahayag ng kahandaan na tumulong sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Hindi muna tinukoy ni Mayor Isko kung kailan sisimulan ang 24/7 vaccination sa lungsod.

Read more...