Senador Gatchalian tatakbong VP

Senate PRIB photo

Tatakbong bise presidente ng bansa si Senador Sherwin Gatchalian sa 2022 national elections.

Pero ayon kay Gatchalian, gagawin niya lamang ito kung si Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang makaka-tandem at tatakbong pangulo ng bansa.

Ayon kay Gatchalian, nagsabi na siya kay Mayor Duterte ng kanyang intension.

Nagpapasalamat din si Gatchalian na isa siya sa mga ikinunsidera ni Mayor Duterte na magign running mate.

Sa paniwala ni Gatchalian, kaya niyang gampanan ang tungkulin ng isang bise presidente

 

Read more...