Full alert status para sa eleksyon, posibleng itaas na ng PNP anumang araw mula ngayon

PNP recruitsPosibleng magdeklara na ang Philippine National Police ng full alert status anumang araw mula ngayon.

Ayon kay PNP Chief Dire. Gen. Ricardo Marquez, bukod sa paparating na ang eleksiyon, kanila ring ikinukunsidera ang May 1 Labor day.

Sakali man ani Marquez na itaas na nga nila ang full alert bago ang May 1, itutuloy-tuloy na nila ito para sa May 9 national election.

Ibig sabihin, kanselado na ang bakasyon at leave ng mga pulis.

Matatandaang sa mga nagdaang panayam sinabi ni PNP Deputy Chief for Operations Danilo Constantino na isang linggo bago ang eleksyon ay malalaman na ng mga pulis ang mga lugar na kanilang popostehan sa mismong araw ng eleksiyon.

Read more...