Publiko pinag-iingat sa “SIM swap scam”

 

Nagbabala ang Globe Telecom sa publiko na mag-ingat sa nauusong “SIM swap scam.”

Sa pahayag ng Globe, may kumakalat na modus operandi na binibiktima ang mga gumagamit ng cellphone na ang tawag ay “SIM swap scam.”

Nabatid na ang SIM swap ang huling hakbang ng mga scammer para ma takeover ang bank account o credit card ng gusto nilang pagnakawan.

Binabantayan ng mga scammer ang taong gusto nilang biktimahin. Naghahanap sila ng impormasyon gaya ng bank account number, email address, ID, mobile number at iba pa na karaniwan ay makikita sa mga social media posts.

Pinag-iingat din ng Globe ang publiko sa phishing email o text na ginagaya ang itsura o tono ng mga mensahe na galing sa mga kumpanyang kilala o pinagkakatiwalaan ng karamihan.  Kadalasan, meron itong ipapa-click na link o hihingin na sensitibong impormasyon gaya ng password, PIN, government ID number, at account number.  Pag sinunod mo ito, makukuha nila ang mga data mo.

May mga scammer din na magkukuwari na empleyado ng isang telco o banko na manghihingi ng personal na impormasyon at detalye ng mga bank account kapalit kunyari ng regalo.

Sa ngayon, mayroon ding mas mahigpit na paraan na ginagawa ang Globe para maiwasan ang unauthorized na pagpapalit ng SIM.  Kailangan ng maghintay ng 24 oras bago ma-reactivate ang bagong SIM para magawa pa ang mas matinding verification.  Kailangan na rin ang notarized affidavit of loss kapag nag-request ng kapalit sa nawalang SIM tulad ng requirements sa banko pag nawala ang iyong debit card or passbook.

Read more...