Inatasan ng Palasyo ng Malakanyang ang lahat ng government agencies sa Metro Manila na magbawas ng on-site personnel sa kanilang mga tanggapan.
Ito ay dahil sa ipatutupad na enhanced community quarantine sa Metro Manila Mula Augst 6 hanggang 20 dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.
Base sa Memroandum Circular Number 87 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, dapat maging 20 percent na lamang ang on-site personnel habang ang iba ay papayagan ang work from home na set-up.
Tanging ang mga ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng health at emergency frontline services, laboratory at testing services, border control at iba pang critical services ang magiging full on-site capacity ang oeprasyon.
Inaatasan din ang mga heads ng Metro Manila agencies na mag-report sa kanilang department heads para ayusin ang percentage ng bilang ng personnel at skeleton workforce.
Pinatitiyak ng Palasyo na kahit naka-ECQ ang Metro Manila, magtutuloy tuloy at magiging maayos pa rin ang pagbibigay serbisyo publiko.
Hinihikayat din ng Palasyo ang sangay ng lehislatura at hudikatura, independent constitutional bodies maging ang local government units sa Metro Manila na sumunod sa memorandum.