Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang tatlong dam dahil sa patuloy na buhos ng ulan bunsod ng Southwest Monsoon o Habagat.
Ayon sa Pagasa, bukas ng 3.5 meters ang pitong gate ng Ambuklao Dam sa Benguet.
Sa record ng Pagasa, nasa 750.45 meters ang water level ngayon at malapit nang maabot ang 752-meter normal high water level.
Bukas ng 3.5 meters ang anim na gate ng Binga Dam sa Benguet.
Nabatid na nasa 573.38 meters ang water level ng Binga Dam at malapit nang maabot ang 575-meter NHWL.
Bukas naman ng 0.15 meyers ang isang gate ng Ipo Dam sa Bulacan.
Nabatid na nasa 101.05 meters ang water level ng Ipo Dam at malapit nang maabot ang 101-meter NHWL.
MOST READ
LATEST STORIES