Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 38 kilometers Southwest ng San Felipe.
Naramdaman ang pagyanig dakong 3:26 ng hapon.
May lalim ang lindol na 18 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa San Felipe at mga karatig-bayan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES