Umaasa ang Palasyo ng Malakanyang na huling lockdown na sana ang ipatutupad na enhanced community quarantine sa Metro Manila mula August 6 hanggang 20, 2021.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, masyado kasing mahal at naapektuhan ang ekonomiya ng bansa tuwing nagpapatupad ng lockdown.
Ayon kay Roque, pinagsusumikapan ng pamahalaan na ito na ang huling lockdown lalo’t tumataas na ang bilang ng mga nababakunahan kontra COVID-19 araw-araw.
“We hope that this will be our last ever lockdown. Bakit po? Kasi tumataas na iyong numero ng ating pagbabakuna,” pahayag ni Roque.
Ito na ang ikaapat na beses na ipatutupad ang ECQ sa Metro Manila mula nang tumama ang pandemya noong nakaraang taon.
READ NEXT
Palasyo, pumalag sa banat na naging reactive lang ang gobyerno sa pagtugon sa Delta variant
MOST READ
LATEST STORIES