110 pang pulis, tinamaan ng COVID-19

Nasa 110 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (August 3), 30,745 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,277 ang aktibo pang kaso.

104 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 29,383 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

May isang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 85 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...