Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 4.24 milyon na

AFP photo

Lagpas 4.24 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,249,394 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 629,862.

Sumunod na rito ang Brazil na may 557,359 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 425,228 naman ang death toll sa India habang 241,279 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 196,518
– Russia – 160,137
– United Kingdom – 129,743
– Italy – 128,088
– Colombia – 121,216
– France – 111,936
– Argentina – 106,045
– Germany – 97,291

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 199,614,894 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 180,105,521 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...