Nesthy Petecio nakasungkit ng silver medal sa Tokyo Olympics

(AFP pool)

 

Bigo ang Pinay boxer na si Nesthy Petecio na makasungkit ng gintong medalya sa Tokyo Olympics.

Ito ay matapos talunin ni Sena Irie ng Japan ang pangbato ng Pilipinas na si Petecio.

Gayunman, nakuha ni Petecio ang silver medal sa women’s featherweight final.

Kahit talo, nakangiti at ibinida pa rin ni Petecio ang watawat ng Pilipinas.

Ito na ang ikaapat na beses na naglaban sina Petecio at Irie simula noong 2019.

 

Read more...