Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho nanatili sa 3.76 milyong noong Hunyo

 

Nanatili sa 7.7 percent o 3.76 milyong Filipino ang walanng trabaho sa bansa noong buwan ng Hunyo 2021.

Ito ay base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, kabilang sa 3.76 milyong Filipino na walang trabaho ang nag-eedad 15 anyos pataas.

Mas mataas ito kumpara sa 3.73 milyong walanng trabaho na naitala noong Mayo 2021.

 

Read more...