Gobyerno, pinagpapatupad ng business bubbles
By: Erwin Aguilon
- 3 years ago
Pinagpapatupad ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang pamahalaan ng “business bubbles” para hindi mahirapan ang ekonomiya sa maya’t-mayang pagbabago sa quarantine restrictions dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Quimbo, ang business bubbles ay kapareho lamang ang sistema ng sa tourism bubbles na mayroong vaccination policy bukod pa sa isinasagawang routine testing sa mga biyahero.
Ang konseptong ito aniya ay maaring ipatupad din sa mga work places, na kung maari ay ikonsidera ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) para kahit wala sa listahan ng mga essential business ay maaring pahintulutan na makapag-operate.
Para naman sa mga kompanya, sinabi ni Quimbo na maari na rin sana payagan na makapasok ang mga empleyado na fully vaccinated na.
Gayunmam nakadepende pa rin aniya ito kung maibibigay din sa mga ito ang ligtas na transportasyon papasok sa trabaho upang maiwasan ang posibleng pagkahawa sa COVID-19.
Ang tanong lamang aniya ay kung dapat sagutin ngayon ng mga employers ay kung handa silang saluhin ang dagdag gastos na ito.
Sinabi ito ni Quimbo ilang araw bago ang nakatakdang muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) status sa National Capital Region sa darating na Agosto 6 hanggang 20.