Kailangang magamit ng husto ng pamahalaan ang dalawang linggong enhanced community quarantine sa Metro Manila para maihanda ang health care systems sakaling tumaas ang kaso ng Delta variant ng COVID-19. Sinabi ito ni Deputy Speaker Loren Legarda kasunod ng pahayag ng Department of Health na posible pa ring tumaas ang COVID-19 cases kahit mag-lockdown dahil pababagalin lamang ng ECQ ang pagkalat ng impeksyon. Ayon sa kongresista, mainam na mabigyan din ng panahon ang Local Government Units na paigtingin pa ang kanilang prevent-detect-treat-integrate strategies. Hinimok rin ni Legarda ang LGUs na makipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno, gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa emergency food and cash assistance na maaaring ibigay sa mga apektado ng ECQ, tulad ng vulnerable sectors at mga manggagawa na no work no pay basis. Umaasa rin ang mambabatas na mapabilis ang pag-apruba ng Bayanihan to Arise as One Act o ang Bayanihan 3, na itinuturing na lifeline measures para sa mga apektado ng pandemya kabilang ang milyun-milyong displaced workers, OFWs, agri-fishery sector, mga kooperatiba at iba pa.
READ NEXT
P1,000 hanggang P4,000 na ayuda sa mga residente sa Metro Manila aprubado na ni Pangulong Duterte
MOST READ
LATEST STORIES