Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng pinansyal na ayuda sa mga residenteng maapektuhan sa ipatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula August 6 hanggang 20.
Ayon kay Senador Bong Go, P10 bilyong pondo ang inaprubahan ng Pangulo para sa 80 porsyentong populasyon o 10.8 milyong indibidwal sa Metro Manila.
Ayon kay Go, P1,000 hanggang P4,000 ang maaring matanggap na ayuda ng bawat pamilya.
Sinabi pa ng Senador na agad n aida-download sa local government unit ang naturang pondo.
Apela ni Go sa LGUs agad na ibigay ang ayuda sa mga benepisyaryo.
MOST READ
LATEST STORIES