Batay sa datos hanggang 6:00, Lunes ng umaga (August 2), iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bureau of Maintenance na sa Central Luzon pa lamang, nasa P699.16 milyon ang inisyal na halaga ng pinsala sa public infrastructure. Sa nasabing halaga, P349.96 milyon ang nasirang kalsada habang P301.20 milyon naman sa flood-control.
Pangalawa naman ang Region 4-A o CALABARZON sa may pinakamataas na infrastructure damage kung saan umabot sa P224.2 milyon; P222.62 milyon sa mga kalsada at P1.60 milyon sa flood-control structures
P113.51 milyong halaga naman ang napinsalang kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR), sumunod ang Region 4-B na P65 milyong pinsala, National Capital Region na may P39.66 milyong sira sa kalsada at P31.05 milyon naman sa Region 1.
Naayos naman ng DPWH Quick Response Teams ang 32 national roads sa Luzon ngunit anim ang nananatiling sarado; apat sa CAR at dalawa sa Region 3 dahil sa soil collapse at pagbaha.