Suspensyon ng truck ban sa NCR, epektibo mula August 6 hanggang 20

Ipinatupad ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang suspensyon ng truck ban sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa MMDA, epektibo ang suspensyon mula sa August 6 hanggang 20, 2021.

Kasabay ito ng muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila hanggang sa nasabing petsa.

Sinabi ng MMDA na layon ng suspensyon na masigurong hindi maaantala ang delivery ng mga pangunahing pangangailangan.

Read more...