Bakunado man o hindi, APORs puwede sa NCR Plus – DOJ chief

Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na bakunado man o hindi ang isang authorized person outside authority (APOR) ay maari siyang pumasok at lumabas sa NCR Plus kapag umiiral ang GCQ with heightened restrictions at ECQ,

Katuwiran ni Guevarra wala pa naman sa mayorya ng populasyon ang nabakunahan na ng pangontra sa COVID 19.

Miyembro ang kalihim ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ginawa nito ang paglilinaw dahil sinimulan na ng gobyerno ang paglimita sa biyahe at tanging APORs lang ang maaring bumiyahe sa NCR Plus.

Nagdulot din ng kalituhan ang pahayag ni Pangulong Duterte na hindi dapat lumabas ng bahay ang mga hindi pa bakunado.

Hanggang sa Agosto 5, nasa GCQ with heightened restrictions ang Metro Manila at sa Agosto 6 hanggang 20 ay iiral naman ang ECQ.

Read more...