Inaasahan na ng Department Labor and Employment (DOLE) na muling sisirit ang bilang ng mga mawawalan ng trabaho sa pagsasailalim muli ng Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Labor Usec. Dominique Tuyay magiging bahid ito sa gumaganda ng employment rate sa Metro Manila nitong mga nakalipas na buwan matapos ang huling pag-iral ng ECQ noong Marso at Abril.
Binanggit niya na mula sa 46,000 na walang trabaho sa Metro Manila noong Marso, bumaba ito sa 36,000 ng sumunod na buwan at nitong Hulyo ay nasa 27,000 na lamang.
“So ibig sabihin talagang improving tayo but given the two-week ECQ, and we know that NCR represents about 30 to 40 percent of the total employment natin, maaaring sumipa na naman po yung ating mga unemployment,” sabi ni Tuyay.
Dagdag niya, kahit dalawang linggo lang na iiral ang ECQ ay may malaking epekto sa usapin ng trabaho at ekonomiya.
Aniya may mga establismento na nagsisimula nang sumigla ngunit mapipilitan muli na magsara.