Comelec magsasagawa ng special elections sa Mountain Province

mountain province Governor Leonard Mayaen
Inquirer Photo from Leonard G. Mayaen – Mountain Province Facebook page

Magsasagawa ng special elections ang Commission on Elections (Comelec) sa Mountain Province matapos ang May 9 national elections.

Ito ay matapos pumanaw si Mountain Province Governor Leonard Mayaen na kumakandidatong reelectionist at walang kalaban.

Pero ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, maaari lamang magkaroon ng substitute candidate ang isang namayapang kandidato kung mayroon itong partido.

Sa kaso aniya ni Mayaen, kumakandidato itong independent na gobernador.

Sa ngayon si Vice Governor Bonifacio Lacuasan ang nagsisilbing gobernador.

Wala pa namang itinatakdang petsa ang Comelec kung kailan gagawin ang special elections.

Read more...