Chinese arestado sa P45M na halaga ng shabu

high-grade-shabuAabot sa siyam na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P45M ang nasabat ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (PNP-CIDG NCR) sa isang Chinese National sa Malate, Maynila.

Kinilala ang naarestong suspek na si Norman Hung Wang na nasakote sa drug buy bust operation sa Adriatico St, Barangay 720, Zone 78, Malate.

Ayon kay CIDG-NCR Director Senior Supt. Ronald Lee, nagpanggap na pusher-buyer ang isa nilang tauhan at bumili ng isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P800,000.

Pagka-abot ng shabu kaagad dinakma ng pulisya ang suspek.

May narecover pa ng walong plastic bag ng shabu sa sasakyan ni Wang.

Sinasabing miyembro ng isang Chinese Drug triad ang naarestong suspek at dinala na sa Camp Crame.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Read more...