Higit 500 pang overseas Filipino, nagpositibo sa COVID-19

May 503 pang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 2, nasa 21,641 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 98 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 7,789 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

71 naman ang bagong gumaling kung kaya 12,531 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

56 naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,322 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 12,317 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,566 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 1,014 naman ang kaso sa Americas at 4,744 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...