Davao Death Squad, patuloy na iniimbestigahan ng DOJ

 

Inquirer file photo

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Department of Justice sa operasyon ng umano’y Davao Death Squad (DDS) sa lungsod ng Davao at ang koneksyon nito kay PDP-Laban presidential candidate Rodrigo Duterte.

Ang Davao Death Squad o DDS ang itinuturong may kagagawan ng pagkamatay ng hindi bababa sa isanlibo katao na biktima ng summary executions sa Davao City simula noong 1998 hanggang 2008.

Gayunman, aminado si Acting Justice Secretary Emmanuel Caparas na wala pang malaking development sa ginagawang pagsisiyasat ng Kagawaran.

Ayon kay Caparas, nasa ilalim pa rin ng ‘radar’ ng mga ahensyang nasa ilalim ng DOJ ang mga kasong kinasasangkutan ng DDS.

Ngunit aniya, ilang ‘lead’ na kanilang sinusundan ang patuloy nilang pina-follow-up ngunit hindi pa maituturing na ‘breakthrough’ sa kaso.

Una rito, isiniwalat ni dating Justice Secretary Leila De Lima na may hawak na witness ang DOJ na isang dating miyembro ng DDS na handang isiwalat at ibunyag ang koneksyon ni Mayor Duterte sa serye ng mga summary executions sa lungsod.

Read more...