Fake news sa reelection bid ni Sen. Leila de Lima nai-post sa YouTube

Pinuna ni Senator Leila de Lima ang pagkalat ng fake news ukol sa kanya sa isang video sharing website matapos niyang ideklara ang kanyang muling pagtakbo sa pagka-senador sa 2022 elections.

Sinabi ng senadora na peke at malisyoso ang post sa YouTube, na nagsasabing tinanggal na siya sa puwesto at hindi na rin siya maaring tumakbo sa eleksyon sa susunod na taon.

“Obviously, this aims to create confusion among my supporters and to the people who would support my candidacy. As early as now, those with personal and political interests are employing dirty political tactics such as these false information drives against me. What are they afraid of? For me to be reelected,” sambit pa nito.

 

Ayon pa sa senadora inaasahan na niya na marami pang fake news ukol sa kanya ang lalabas na ang layon ay siraan siya ng husto sa pamamagitan ng pagbaluktot sa katotohanan.

 

Ang titulo ng video ay KAKAPASOK LANG: BREAKING! GOODNEWS PRES DUTERTE DISQUALIFIED SI DELIMA SA SENADO TALSIK SA PWESTO.” The text “DE LIMA DISQUALIFIED SA SENADO” at ito ay mapapanood sa PH Breaking News YouTube Channel.

 

Pansin pa ng kampo ng senadora, ilang pro-Duterte pages na ang nag-share ng link ng YouTube video.

 

Laman din ng video ang pahayag ni Presidential spokesman Harry Roque na maari pang tumakbo sa pagka-senador si de Lima.

 

Panawagan din niya sa Google Phils, ang may-ari ng YouTube, na maging responsable sa mga laman ng videos na naipapakalat sa pamamagitan ng kanilang videos sharing site.

 

“We are still awaiting Google PH’s action about this and as we do so, I want to remind everyone to always check the veracity of clips or stories that they see online. It always pays to do your own validation and research, and be discerning, to avoid being fooled by these fake news stories,” sabi pa nito.

Read more...