BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 1.60-M na; 8,167 ang bagong napaulat

Mahigit 8,000 muli ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (August 2), pumalo na sa 1,605,762 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 62,615 o 3.9 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 8,167 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

93.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.2 porsyento ang asymptomatic; 1.48 porsyento ang moderate; 2.1 porsyento ang severe habang 1.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 77 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 28,093 o 1.75 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 9,095 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,515,054 o 94.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...