Ayon kay AFP PIO Chief Col Noel Detoyato, huling nakita nila ang mga biktima ay sa video pa na inilabas ng ASG.
Ayon naman kay PNP Chief Police Director General Ricardo Marquez, kumikilos na ngayon ang intelligence community para alamin ang kalagayan ng mga natitira pang mga bihag.
Paliwanag naman ni Detoyato, tuloy tuloy at focused military operations ang isinasagawa ng militar laban sa mga bandidong grupo na may hawak pa sa iba pang mga kidnap victims
Maliban sa 3 Samal kidnap victims, mayroon pang 14 na Indonesians at 4 na Malaysians ang hawak ngayon ng bandidong grupo.
Kahapon, pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf ang isa s akanilang mga bihag na si John Ridsdel dahil sa pagkabigo umanong maibigay ang kanilang hinihinging ransom na 300 milyong piso kapalit ng buhay ng biktima.